rence.sales18 wrote:Mga idol,
Ok lng po ba na open canal or PVC ung drain going to leaching field(like DBS)?
Or need pa ung PVC na my P-Trap?
As of now kasi alanganin for septic tank ung budget.Xenxa po ala pa pong pics kasi nagloko po ung cam.
TIA
rence.sales18,
Kahit wala pang budget sa septic tank ay puede naman gumawa ng very very low cost na open canal (4" lapad at 1" lalim) sa kabila ng butas na labasan ng maruming hinugas na tubig sa feeding troughs/pools ng dbs pig pen.
Pag nagbuhos ng concrete ay maglagay lang ng cocolumber na ang sukat ay 4" lapad at 1" and kapal sa tabi ng wall sa labas papunta sa septic tank. Ang open canal ay 1" lang ang lalim na tamang tama lang para dumaloy ang maruming hinugas na tubig. Ang septic tank naman ay hindi masyado malaki at hindi rin masyado malalim for every dbs pig pen. Ganito ang ginawa namin sa 1st dbs growing pen na constructed namin noong July 1, 2011 na ang area or capacity ay good for 15 baboy. Until now ay OK pa rin ang dbs growing pen at lalong OK pa rin ang open canal and septic tank. Pagkahukay kasi namin ay nilagyan namin ng iba-ibang layers ng materiales na pampabilis sa pagsipsip ng tubig bawat layer. Kasi ang maruning tubig na lumalabas sa open canal ay halos tubig na rin at walang solids. Ang solids kasi ay winawalis namin sa dash pan at tinatambak sa compost pile. NOTE: Iba iba po ang sistema ng open canal and septic tank ng mga members dito sa forum.
Sir D,
Thanks po sa idea. Phase 2 na po nang construction kasi. Fina finalize ko na ung pagawa kasi ayaw ko na paulit2x pa at magastos din po kasi kaunti lng ung budget.
Palabas na lng sa leaching field na ala DBS ung pagkagawa with filtering na bato2x sa ilalim para panipsip sa tubig. Nkita ko rin kasi d2 ung ibang concept regarding drainage system somehow may similarity rin. Tnx po








