Quantcast
Channel: PCAARRD Message Board — Swine
Viewing all 3051 articles
Browse latest View live

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0

Mga kuyang hello po! Baguhan lng po ako dito pero matagal na po ako nagbabasa ng forum na toh.nsa page 120 n po ako hehe.nbsa ko po kasi na kung bago ka mas oki kung bsahin mo muna from page 1 to current. Laking bicol po ako sa Gubat Sorsogon.Plano po ksi sna nmin ng bf ko magpiggery.wla po ako ka ideidea kya puro research,aral and seminar po ako.sa Dumaguete po ung farm na gagawin nming piggery nagpatanim na din po kmi dun ng mga legimes na kailangan like rensonii,madre de agua,flemengia etc..pero onti lng po ksi maliit lng po farm dun 2500sqm lng po. Tanong lng po sana ako sa inyo mga kuyang kung sino po sa inyo nagbebenta ng oil palm?gusto ko din po sana magtanim.kht 10 lng po na tanim. Sa january pa po namin papaumpisahan ang paggawa ng pigpen.madami po ako nakuha idea sa mga pinost nio po na pigpen.maraming maraming salamat po sa pagshare nio ng inyong karanasan at idea lalo n po sa baguhan tulad ko.godbless po sa inyo mga kuyang


Re: Simple Manual for Swine Raising

$
0
0

good day po sir, pwde rin po ba akong makahingi ng copy ng manual nyo..thank you po and more power..... email add: jpalecpec@yahoo.com

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
Seajay wrote:
andrewcapuno29 wrote:
duckduck wrote:
andrewcapuno29 wrote:

Kuya ken musta na ulit po and kuyang duck!

Nagbenta po ko f1 piglet 5k around 65 days old na po. Plus at 127 days old since birth po toh yung f1 male binenta ko po 85kilos po. Ok po ba toh?

Andrew,

Mabibilis lumaki ang mga biik at baboy mong F1s.  Ok naman ang benta mo sa kanila.  Huwag lang babaratin yong f1 male na walang presyo.

Kya nga po, yung mga male f1 ginawa ko na lang fattener. If yung male gawin boar po na f1 magkanu po kaya benta?

Msta pre andrew:tga sto nino eto,chonet.anu gamit mo feeds ngayun?wla knb s sunjin?nkakakuha k ng feeds kay ernan?

Welcome po dito.hehe

Ndi pa po ko nakakakuha feeds ky kua ernan dapat maramihan, lam muna po gamit ko current feeds eh pero hindi sunjin.hehe.

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
ranilopj28 wrote:
andrewcapuno29 wrote:
ranilopj28 wrote:
andrewcapuno29 wrote:
ranilopj28 wrote:
kenbats wrote:

Hi Sir Joseph,
Mahihigitan nyo pa yan balang araw.

Bago kayo magpalaki ng operation siguraduhin nyo muna na kumikita ka talaga sa baboyan at hindi lang ang mga biyahero kikita.

Sa 1 sow and 1 boar lng muna aq magstart qng sakali magclick saka nlang po aq magdagdag..ok po ba ung ganun lng muna mga sir?

Sir dapat po try nyo muna fattening. After nito 1 sow. Den pagkayo nyo manage farrowing to finish den expand na po kayo. Sa boar po kung magalaga kayo dapat po my 12 po kayo sows and maganda tingnan nyo din other income nito gaya ng pede sya umapahan ng ibamg magbababoy sa inyo as natural mating po.

Hi sir andrew,
Actually nagtry na po aq magfattening 10 heads po nabili q sa kapitbahay namin kaso lng po dko alam qng anong lahe tapos mabagal dn po ung paglaki nila...PMI feeds po gamit q din nka conventional pen..
Cguro mas maganda ung may sarili kang inahan pra pagnanganak dun kna kukuha ng pangfattening at alam mo pa qng anong breed ang inaalagaan mo.

Sa boar nman po ang plan q gawin boar for hire..medyo marami kc d2 samin nag alaga ng inahin,,at sa tingin q nman qng maganda ang lahe ng boar mo maraming kukuha sau..:)


My point ka po. Kya naginvest ko 1 puro ang lahi para hindi me mavictim na sabi maganda daw lahi. Hehe

Sa pagiinahin jan po matest kung pagbababoy nga ang para saung negosyo po. Ky kuya ken bka makakuha ka po kahit 1 lang. Sa boar ok po yan,  ask ka po dito bout management ng boar

Thnx po..ilan na po inahin mo ngaun?nag,alaga din po ba kau ng boar?

3 po inahin ko, 1 gplw, 1 f2 75%lr 25%lw galing tong 2 ky eioz farm, den 1 chopsuey. Nanganak tong gplw ko ko cross sa gp lr ni kua ernan eioz farm kaso sa 10 na anak 1 lang babae po. Kaso binili yung 1 piglet na f1 kaya hindi me nakapagdagdag ulit inahin. Ala ko boar kasi marunong ako magAi nagtrain me ky kua ernan and sa kanya din ko nakuha semen ng boar nya. Pag naka 12 sows na ko magalaga me boar.

Re: Sample Feasibility Study

$
0
0

Good day po sa lahat... Bago lang din po ako dito at madami pong natutulungan ang forum na ito. I will be thankful if pede din po ako makahinge ng copy po ng FS din po. Thank you very much in advance! --> czarxist@gmail.com

Cheers!

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
duckduck wrote:
kenbats wrote:

Tony, sa daming pwede idugtong sa Inoculated ay ung medical term pa nahanap nyo.... hahahaha

Inoculated Deep Litter System, yan para mas mahanap nyo kaagad.

Basahin nyo nlang, na-encounter ko lang sa paghahanap na i-improve ang DBS practice at yan ang isa sa nahanap ko. Ito din kung may time kayo basahin  tungkol sa "windrowing". Tulad ng sinabi ko malimit ang exchange of experiences dito kaya ang hirap mag-improve.

Kumusta na po farm nyo jan? medyo tahimik ka na rin ata :-)

Kenneth,

Ok naman ang farm. Natapos na lahat ang paglagay mga bubong na hardwood at yero pero doon sa old pig housing ay bamboos and nipa pa rin.  Every 10 years lang kasi bumisita sa Bicol ang ganon kalakas na Bagyong Glenda kaya I can take the risk na.  Pag may balita na malakas na bagyo ay HUWAG mo lang sasabayan ng bakasyon sa PINAS para lumihis sa Bicol.  ha ha ha. 

During the 10 year period ay patibayan ko na lang lalo ang mga bubong na hard wood and yero like investing pa sa typoon gutters para matakpan pa ang mga nakausling yero na sinisikwat ng malakas na hangin.

Medyo madami ang mga piglets at may mga baboy na ready na for disposal pero barat ang mga biahero (80-90 LW price) kaya hindi ko na binenta.  Hintayin ko na lang ang buwan ng November or December kung kailan tataas na uli an LW price based on supply and demand.  Ang mga napipilitan lang magdispose kahit breakeven lang ay yong mga kinapos na sa budget ng feeds.

Mas maganda pa ang bentahan sa mga piglets dahil hindi pa rin lugi sa presyo na P2,500/100 at mas maganda ang presyo pagdating sa letsonin.

Pawala na ang mga bunga ng niyog for a period of mga 2 years daw.  Madalang na ang ang copra at matatalo na sa negosyong copra kaya kahit masakit sa loob ko dahil itong coprahan na ang bumuhay sa amin simula nong maliliit pa kami, I decided na itigil ng tuluyan ang negosyo na copra.

Baka blessing in disguise ang bagyong Glenda dahil nagkaroon ako ng opportunity na palitan ang negosyong copra dealer to that of a meatshop.  Meron na kasing opisina, meron ng existing na puesto, daanan na ng maraming tao papunta sa palengke at binawasan pa ang monthly rental dahil hindi ko na kelangan ang bodega ng copra.  Kahit paisa isang baboy lang muna sa simula na 80-90 kilos ang pa-slaughter ko habang nagdedevelop pa kami ng mga cash customers.

Pwede po ba malaman kong san kayo sa bicol. bago lang po sa site na to nag aaral pa kong paano ang pag piggery.. smile

Re: Negros Hog Raisers (Beginners)

$
0
0

Mga kababoy...

Kumusta na kayung lahat?

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
Nic wrote:

Pwede po ba malaman kong san kayo sa bicol. bago lang po sa site na to nag aaral pa kong paano ang pag piggery.. smile

.
Nic,

Welcome to the thread.  Basa lang po ng basa mula page 1 to the current page at marami kayong matutunan sa tamang pagalaga ng baboy.

Sa barangay Guinlajon, Sorsogon City po ang farm ko.  Meron din akong 2 kaibigan na may farm sa Bacon, Sorsogon at sa Bulusan, Sorsogon.

Saan po ba kayo sa Bicol?


Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0

Sir Fapper good day po, pwede po bang makahingi ng design drawings nitong PIGS mo. tnx

Fapper wrote:

http://i5.photobucket.com/albums/y186/danzzey/Sp1.jpg

Re: Sample Feasibility Study

$
0
0

Magandang araw po,

Bago din po ko dito at balak ko din mag-piggery business. Gusto ko rin po sanang makahingi ng Feasibility Study. Magiging malaking tulong po to sa akin.

Eto po ang Email ko: jamontheblock@gmail.com

Maraming Salamat po!

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0

Sir pwede po bang makahingi nung design nung filtration system from feedpro?

Tnx po

Pugadbaboy2 wrote:
eioz farm wrote:
kenbats wrote:
Pugadbaboy2 wrote:

http://i931.photobucket.com/albums/ad159/Vik_Vikter/73a7ff55-ae6a-41c8-be27-4d6aa9239d73_zps69a23790.jpg

Sir Pugadbaboy2,

Napansin ko wlang P-trap pagpasok ng septic tank, naka-open lang po ba talaga ang septic tank ninyo?

masyado po delikado ito kapag napuno kapag open...better n convert nyo n lan into biogas digester ang unang butas then un 2 as lagoon mejo taasan nyo lan ng konti o lagyan ng mga puno/railings.

kawawa kung bata ang mahuhulog d2.

hi! sir, napalagyan ko na po ng temporary takip gawa sa kawayan. So far di naman po maamoy ung filtration tank. Ginaya lang po namin ung design na inemail samin ng feedpro from Dok Gilbert Buenavista. May mali nga po d2 kelangan papo pala may pvc outlet from first filtration to 2nd tos may lalabasan pa siyang outlet, kasi napansin ko napupuno lang ung mga waste dun sa dalawang tank pati ung mga patak ng ulan.

Re: Sample Feasibility Study

$
0
0

Sana po ay makatanggap din ako ng FS. marty_caceres@yahoo.com po. Maeaming salamat po.

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
andrewcapuno29 wrote:
Seajay wrote:
andrewcapuno29 wrote:
duckduck wrote:
andrewcapuno29 wrote:

Kuya ken musta na ulit po and kuyang duck!

Nagbenta po ko f1 piglet 5k around 65 days old na po. Plus at 127 days old since birth po toh yung f1 male binenta ko po 85kilos po. Ok po ba toh?

Andrew,

Mabibilis lumaki ang mga biik at baboy mong F1s.  Ok naman ang benta mo sa kanila.  Huwag lang babaratin yong f1 male na walang presyo.

Kya nga po, yung mga male f1 ginawa ko na lang fattener. If yung male gawin boar po na f1 magkanu po kaya benta?

Msta pre andrew:tga sto nino eto,chonet.anu gamit mo feeds ngayun?wla knb s sunjin?nkakakuha k ng feeds kay ernan?

Welcome po dito.hehe

Ndi pa po ko nakakakuha feeds ky kua ernan dapat maramihan, lam muna po gamit ko current feeds eh pero hindi sunjin.hehe.

ah ganun b pero lumipat kn rin.ngsisimula n rin kmi lumipat s letter J,hehe.pwede siguro ishare natin pra mkakuha tyu feeds kay ernan.Ilang SL kna?

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0

Mga kuyang bka po may kilala po kau na pwede bilhan po ng oil palm?bka po pwde ako makaorder.salamat po

Re: Boar To use for AI maitenance and equipment needed?

$
0
0
dylaN_uR wrote:

Nung mag-training ako ng AI sa ITCPH Php 82,050 ang computed nila na magagastos mo sa equipment para sa AI.

Microscope- P10,000
Dryer/Sterilizer- P15,000
Distiller- P10,000
Converted ref- P9,000
Spermiodensimeter- Php 6,000
Dummy sow- Php 5, 000
Waterbath- Php 12,000
Airconditioning unit- Php 12,000
Flask (2pcs, 1000ml w/ cap)- Php 1,000
Beaker (2pcs, Hard plastic, 2 L)- Php 700
Thermometer (2pcs)- Php 250
Stirring rod (2pcs)- Php 300
Collecting cup (2pcs)- Php 800

Yung ibang equipment like the distiller is optional. Yung iba ay posibleng makuha mo ng mas mura.

Hindi pa dyan kasama ang presyo ng boars, laboratory, lupa, boar housing, etc.. Kailangan mo ng at least dalawang boar para sa isang successful AI operation. More or less arround Php 500,000 ang kailangan mo para sa lahat. Kaya nitong mag service ng around 200-400 sows, depende sa capacity ng boars mo (1 boar per 100 sows maximum).

Kung less than 50 sow level ka at balak mong mag put-up ng isang AI operation tapos "in farm use" lang, meaning hindi ka magbebenta ng processed semen ay hindi praktikal dahil hindi mo mama-maximize ang boar potential mo. Mag-natural mating ka na lang.

Now ko lng napansin marami n pla reply sa inquiry ko.Slmat sir Dylan at sir irwinmelo.Pangsarili lng po gamit sna sa 20sow namin.I see the price ng mga equipment.Wla po b improvise equipment n magagawa pra mkapagAI with extender din khit simple lng mga gamit?Ngkakaproblema po ksi kmi pag natural mating lalo na kpag malaki n masyado ang boar.tnx po uli


Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0

Newbie here plan q po magsimula ng babuyan paemail nmn po ng design ng dbs nio para magaya q wala aq idea sa dbs, thanks



ubos24pain@gmail.com

Re: Boar To use for AI maitenance and equipment needed?

$
0
0

Microscope- mahirap tipirin eto pero merung tig P2000 na china made.  Merun din akong nabili dati na digital microscope na around less than P2k (yun nga lang sa singapore pa)

Dryer/Sterilizer- mahirap din gumawa ng cheap version nito pero yung dryer ng plato puede siguro, then lagyan mo nalang ng UV bulb para maging sterilizer

Distiller- bili ka na lang wilkins na distilled water

Converted refrigerator - mahirap tipirin eto unless merun kang contact sa mga ref repair shop na magaling

Spermiodensimeter- You need to buy this

Dummy sow- You can make this kahit nga malaking troso ng kahoy puede

Waterbath- Hindi naman pakukuluin ang tubig so eto puedeng electric stove na puede mong maicontrol ng ayos ang init.

Airconditioning unit- Optional eto

Flask (2pcs, 1000ml w/ cap)- Garapon puede

Beaker (2pcs, Hard plastic, 2 L)- Bilhin mo eto

Thermometer (2pcs)- Bilhin mo rin eto

Stirring rod (2pcs)- mura lang eto so bilhin mo na rin

Collecting cup (2pcs)- Garapon puede

Re: Boar To use for AI maitenance and equipment needed?

$
0
0

1) Ang importante sa processing ng semilya ay hindi eto makontaminate ng dumi, sabon at kung ano anong pang foreign bodies. 
2) Hindi rin eto dapat magkaroon ng thermal shock or sudden change ng temperature pag dinilute mo ng extender.  So kung ano ang temperature ng semen dapat ganun din halos ang temperature ng semen extender by the time na imimix mo sila.
3) you will need the spermiodensimeter para tama ang dilution rate mo.
4) you need the microscope to properly evaluate the semen quality
5) you need the right refrigerator naman to properly store unused and extended semen para naman magamit mo eto sa iba pang sows or para sa second administration ng semen sa AI

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
dane.alain14 wrote:

Mga kuyang bka po may kilala po kau na pwede bilhan po ng oil palm?bka po pwde ako makaorder.salamat po

Dane.alain14,

Taga Bicol din po ako.  Sa Barangay Guinlajon, Sorsogon City.

Nakabili po ako ng maliliit na Palm Oil Trees na pantanim kay Ross dela Cruz.  Ang farm po nia ay sa Laguna, Quezon Province.  Ang call name po na dito sa forum ay "wintuha".   Medyo nag-lay low na na po si Mang Ross "wintuha" sa pag post dito sa forum pero subukan din po ninyo na kontakin sia  via the forum at baka sumagot sa inyo.

Kaya po ako nakabili ng Palm Oil seedling for planting sa kanya ay nagrequest kasi ako to visit his farm at ng nandon na kami ay nagrequest na rin ako na bumili ng Palm Oil seedlings na sinakay namin sa bus na papuntang Sorsogon City.  Kung meron po kayong sariling sasakyan ay mas madali siguro ang pagbili nyo ng Palm Oil seedlings kung mga 10 seedlings lang kelangan ninyo.  At makikita pa ninyo ang farm ni Sir Ross na patterned after the Baboyang Walang Amoy ni Sir Andry Lim.  Baka makita pa ninyo ang actual na paggawa nila ng organic feeds sa farm nia.   Puede nyo mo makontak si Sir Ross de la Cruz through the forum via PM (private messaging system ng Foum).

Makokontak din ninyo si Si Ross de la Cruz via his email sa "Ross dela Cruz wintuha@gmail.com" or "Ross dela Cruz@yahoo.com".  Try nyo po ang 2 email addresses nia at baka sumagot sa isa don.

I strongly recommend that you request to visit his farm dahil marami agad kayong matututunan sa tamang paggawa ng pig pens at whether for fatteners or for dbs farrowing pens and also the production of organic feeds.

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

$
0
0
ubospain wrote:

Newbie here plan q po magsimula ng babuyan paemail nmn po ng design ng dbs nio para magaya q wala aq idea sa dbs, thanks



ubos24pain@gmail.com

Sir ubospain,

Magbasa lang po kayo ng magbasa mula page 1 ng thread na ito gaya ng ginagawa ng karamihan at tiyak madadaanan ninyo ang iba ibang klase ng designs ng dbs pig pens.   Hindi lang po designs ng dbs pig pens ang makikita nyo.   Actual pictures pa po ng dbs pig pens and pens for fatteners ang makikita ninyo.

Hindi lang designs ng dbs pig pens ang madadaanan ninyo na puede mo "copy and paste" sa computer mo.  Marami pa kayong matututunan sa tama na pagalaga ng baboy at iba pa.  Magsipag po tayo sa pagbasa sa thread na ito.  You have everything to gain and nothing to loss po except for time in reading.

Viewing all 3051 articles
Browse latest View live